"Kahit Insurgency Free tayo, Hindi dapat Pakampante"-Mayor Joseph Llopis

Cauayan City, Isabela- Hindi umano kailangang magpakampante ang publiko sa bayan ng Calayan, Cagayan.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Mayor Joseph Llopis bagama’t ang kanyang bayan ay insurgency/terrorist free at kamakailan ay naideklara na ring drug-free municipality.

Ayon sa alkalde,kailangan mapag-ibayo pa ang mga nasimulang hakbangin upang magkaroon ng tuloy-tuloy na kapayapaan sa kanilang lugar.


Laking pasasalamat naman ng opisyal sa tulong ng national government dahil pag-agapay upang matiyak na ligtas ang mga nasa liblib na lugar sa mga bayan-bayan.

Para sa kanya, liblib na lugar ang kalimitang pinupuntirya umano ng mga leftlist group.

Kaugnay nito, itinanggi ng alkalde ang usap-usapan na napabayaan umano ang Calayan ng national government.

Kinumpirma rin nito na noon ay magulo ang kanilang bayan dahil talamak rin ang iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad.

Umaasa naman ang alkalde na tuloy-tuloy na ang pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang bayan.

Facebook Comments