Kahit maputi na ang kanilang buhok, magasawa sweet pa din sa isa’t-isa

Courtesy Facebook/Al Oliver Reyes Alonzo

“Kung tayo ay matanda na, sana’y di tayo magbago. Kailan man, nasaan ma’y ito ang pangarap ko.”

Ganito ang pinaparamdam ng isang lolo sa kanyang kabiyak habang nag-dadate sa isang sikat na fast food chain.

Sa larawang kinuhanan ni Al Oliver Reyes Alonzo, makikita ang matandang magasawa na malambing pa din sa isa’t-isa. Mahahalata rin ang nakakakilig na tingin ni Lolo sa pinakamamahal na kabiyak.


Kahit maputi na ang mga buhok nila, mapapansin na bagets pa rin ang kanilang pormahan. Floral dress ang outfit ni Lola at polo jacket ang suot ni Lolo.

“Pagtanda natin, I’d still look at you like this. ❤️”, caption ni Alonzo sa kanyang Facebook account.

Kumurot sa mga puso ng netizens ang larawang nasaksihan.

“Isa sa kanila ang nagpatawad, Isa kanila ang umintindi at paulit ulit na nag unawa, Di madali magkaron ng forever.”

“Hoping to all women who saw this post can find their own man like Lolo.

“Sweet naman hahaha! Sana all”

Hangad ni Alonzo na makasama nila habambuhay ang mga taong tinag sa kanyang comment section. Umani ng 54,000 likes at 77,000 shares ang nakaaantig na pangyayari.

 

 

 

Facebook Comments