Higanteng kalabasa, ikinagulat ng magsasaka

Courtesy of ABS-CBN

Isang magsasaka sa Ilocos Norte ang nagulat sa laki ng bunga ng itinanim kalabasa.

Ayon kay Erwin Dugay, napulot niya lamang noon ang buto ng kalabasa sa kanilang bukid sa Burgos.

Hindi niya inakalang mamumunga ito ng malalaking kalabasa kung saan ang pinakamalaki ay tumitimbang ng 27 kilos at may habang 60 inches.


Itinanghal itong pinakamalaking kalabasa nang isali niya sa isang Agri contest.

Plano rin nito aniya isali pa ulit sa isa pang contest ang kalabasa na ngayon ay nasa bahay nila sa bayan ng Pasuquin.

via ABS-CBN

Facebook Comments