Kahit na may report na sa Pangulo ang binuong task force kaugnay sa mga anomalya sa PhilHealth, imbestigasyon sa ahensiya tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kabila nang pagsusumite ng report ng binuong task force kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, nagsisimula pa lang ang kanilang imbestigasyon kung saan ipapasa ang resulta ng initial probe kay Pangulong Duterte sa loob ng 30 araw.

Ang draft report ay naglalaman ng ilang general environment na nagbukas para sa fraud at corruption sa loob ng state-run health insurer.


Kasabay nito, sinabi rin ng kalihim na gagawin pa rin ng composite teams ang kanilang respective tasks kaugnay sa imbestigasyon at maghahain ng kaso laban sa mga concerned officials ng ahensya.

Binubuo ang Task Force PhilHealth ng DOJ, Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President, at ang Presidential Anti-Corruption Commission.

Facebook Comments