Kahit nagsagawa ng tigil-pasada, Stop & Go Transport Coalition – hindi daw tutol sa modernization program; Pero pagiging mandatory nito, inalmahan

Manila, Philippines – Hindi kami tutol sa modernization program ng pamahalaan sa mga public utility vehicles.

Ayon kay Jun Magno, presidente ng Stop & Go Transport Coalition – maganda ang nasabing programa, pero, huwag sanang gawing mandatory ang pagkuha ng mga modern jeepney.

Paliwanag nito, hindi kasi kakayanin ng mga maliliit na operator na magbayad ng P1.6 million sa bawat unit ng modern jeeps.


Pero kung titingnan – sinabi ni Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP) President Rolando Marquez – mas malaki ang matitipid dito ng mga driver at operator.

Malaki din aniya ang maitutulong nito para mabawasan ang polusyon sa bansa.

Katuwang naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago – naglaan sila ng tig-sampung bus sa mga lugar na naaapektuhan ng transport strike, ngayong araw.

Samantala – tatagal hanggang bukas, September 26 ang tigil-pasada ng Stop and Go Coalition.

Facebook Comments