Kahit natalo, Pacman umani pa rin ng papuri mula sa mga kasamahang senador

Manila, Philippines – Proud pa rin ang mga kasamahan sa mataas na kapulungan ni Senator Manny Pacquiao kahit natalo ito sa laban sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Si Senator Sonny Angara taas noo pa rin dahil maayos na lumaban si Pacquiao kahit talo ito ay maipagmamalako pa rin ng mga pilipino.

Diin naman ni Senate President Koko Pimentel habang buhay niyang ituturing na idolo at bayani si Pacman na kanyang kaibigan at kasamahan rin sa partido ng Demokratikong Pilipino o PDP Laban.


Sabi naman ni Senator Win Gatchalian, nananatiling nasa likod ni Pacquiao ang buong bansa dahil mahusay ang ipinakitang laban nito kay Horn.

Kahanga hanga din para kay Gatchalian, ang ipinakitang determinasyon at dedikasyon ni Pacquiao sa kanyang career bilang boksingero at bilang isang senador.

Giit naman ni Senator JV Ejercito, kahit natalo ay walang makakapantay sa karangalan na ibinigay ni senator Pacquiao para sa bansa at sa mamamayang pilipino.

Sabi naman ni Senator Grace Poe, si Pacquiao pa rin ang Kampeon sa puso ng mga Pilipino.

Para naman kay Senator Cynthia villar, kahit natalo kay Horn ay wala kahit na sinong boksingero ang makakagawa ng nairehistrong tagumpay ni Pacquiao at naibigay nitong karangalan sa ating bansa at sa mga pilipino sa buong mundo.

Matinding paghanga naman ang ibinahagi ni senator joel villanueva sa ipinakitang lakas at tapang ni pacquiao sa kanyang laban na nagpapatunay na ito ang maituturing na greatest fighter sa kanyang henerasyon.

Giit naman ni Senator Nancy Binay, pinatunayan ni Pacman na kayang kaya pa rin nitong makipagsabayan sa loob ng ring laban sa mga mas batang kalaban kung kaya’t patuloy pa rin tayong naniniwala sa kanyang kakayahan.

Pahayag naman ni Senator Antonio Trillanes IV, mananatili syang tagahanga ni Senator Pacquiao sa larangan ng boxing.

Sina senators Richard Gordon at Tito Sotto III naman kumbinsido na si Pacquiao ang dapat idineklarang panalo.

Facebook Comments