Simulation Exercises ginawa sa Lungsod ng Pagadian

214

Pagadian City, Zamboanga del sur—ISANG Simulation Exercises (SIMEX) ang ginawa sa Lungsod ng pagadian lalawigang ng Zamboanga del sur noong araw ng Sabado.
Bahagi ng nasabing nasabing pagsasanay upang malaman kung gaano kabilis ang pagrespondi ng mga otoridad sakaling may kagulohan na mangyayari sa siyudad matapos ang kaliwa’t kanang banta sa siguridad laban sa mga terorismo.
Ayon kay Pagadian City Mayor Romeo “Tata” Pulmones na mahalaga ang nasabing SIMEX upang mapunan ng otoridad kung ano pa ang kanilang pagkukulang sa paghahanda sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na mabantayan ang buong siyudad.
Alas 9 ng umaga nang maumpisahan ang nasabing exercises sa pamamagitan ng limang besis na Siren saka ginawa ang lockdown sa siyudad at binantayan ang mga daan palabas ay papasok ng sentro.
Nagpaabot rin ng pasasalamat ang mga opisyal maging si Police Senior Supt. Alan Nazaro, Police Provincial Director dahil sa ipinakitang suporta at pag-uunawa ng taong bayan sa ginawang Simulation Exercises. (DXPR News Responds Team)


Facebook Comments