Kahit sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte Mandatory ROTC, malabo nang maipasa sa 17th Congress

Kahit sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte malabo nang maipasa ang panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga pampubliko at pribadong Senior High School.

Sa interview ng RMN Manila  sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na kapos na sila sa oras para himayin ang panukala.

Pero tiniyak ng mambabatas na isusulong nila ito sa pagbubukas ng 18th Congress sa July 22.


Bukod sa Mandatory ROTC, malabo na ring makapasa ang iba pang pinamamadaling panukala kabilang ang Public Services Act at Foreign Investments Act.

Paliwanag ni Senate President Tito Sotto III, kahit maipasa ang mga panukala, wala na ring oras para isalang ito sa bicameral conference committee.

Facebook Comments