Mga mahistrado ng Korte Suprema, balik-session ngayong araw

Bumalik na sa kanilang lingguhang session ngayong araw ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Sa nakalipas na buwan kasi ng Mayo ay suspendido ang lahat ng En Banc Session maging ang Division Session ng Korte Suprema.

Ito ay para bigyaang daan ang buong buwan ng mayo sa decision writing ng mga justices sa mga kasong nai-raffle sa kani-kanilang tanggapan.


Kabilang sa mga nakalinyang agenda sa En Banc Session ay ang disbarment case laban kina outgoing IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo at incoming IBP President Atty Egon Cayosa.

May kaugnayan ito sa pagpapagamit ng Integrated Bar of the Philippine sa kanilang tanggapan sa naging press conference noon ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy kung saan isinangkot nito sa iligal na droga ang pamilya Duterte.

Ang naturang hakbang ng IBP ay sinasabing taliwas sa kanilang mandato na  maging non-partisan.

Facebook Comments