Kahit talo mga Iliganon proud pa rin kay Pacquiao; Ilang bakwit galing Marawi pinuri at ipinagmalaki pa rin ang Pambansang Kamao

ILIGAN CITY- Bagamat talo pero proud pa rin ang iilangmga iliganon kay Senator Manny Pacquiao sa pakikipaglaban nito kay Jeff Horn.

Ito’y sapagkat nakita nila ang pagiging professional ngboxing senator sa ibabaw ng ring kung saan nakikigpalaban kay horn.

Ayon sa kanilang reaksyon na posibleng minaliit langumano ni Pacquiao ang kanyang kalaban dahil sa baguhan ito at bata pa sa kanyang halos sampung taon.


Pero sa kabila nito dumepensa naman sila na kahit anopang mangyari mananatiling pambasang kamao si Pacquiao ng bawat Pilipino.

Binigyan din ng saya ni Pacquiao ang mga InternallyDisplaced Person’s o mga bakwit na nasa kani-kanilang evacuation center nanagcheer sa kanya habang lumalaban kay horn sa pamamagitan ng kanilang mgatelebisyon.

Sinabi ng iilang mga bakwit na kahit natalo si Pacquiaoay proud na proud pa rin umano sila nito dahil ginawa niya ang kanyang makakayapara manalo sa laban. (GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC)

 

Facebook Comments