Kahit walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad, NCRPO – nananatiling nakaalerto

Manila, Philippines – Hindi pa rin magpapakampante ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kahit pa walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Nobyembre.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, wala pa silang namamatyagang “clear and present danger” o banta ng terorismo sa nasabing malaking event na dadaluhan ng mga world leaders.

Gayunman, inihayag ni Albayalde na lagi na lang nilang iniisip na laging mataas ang terror threat sa Metro Manila ito ay sa kabila ng pagkakaaresto sa isang Maute group supporter kamakailan sa Quezon City, na sinasabi ring financier ng grupo.


Iginiit ni Albayalde na sa kabila ng mga pag-arestong ito ay nananatiling mapayapa ang Metro Manila at handa na sila sa pagdating ng mga world leaders at iba pang delegadong kasama nila sa ASEAN summit na gaganapin sa November 10 – 15.

Facebook Comments