Cauayan City, Isabela – Umaabot sa 32 karton ng nakalalasing na inumin ang nasabat ng Highway Patrol Group na nakabase sa Brgy. Alinam, Cauayan City.
Una rito ay may concerned citizen ang nagreport ng HPG na may isang Fortuner na nagkarga ng alak sa harap ng isang mall dito sa lungsod. Agad nilang minanmanan ang nasabing sasakyan. Pagdating sa checkpoint sa barangay Alinam, agad itong pinahinto. Nang buksan ang sasakyan tumambad sa mga pulis ang karton kartong alak. Unang napag alaman ng 98.5 Fm Cauayan na ang mga naturang alak ay pag aari ng ABC President ng Angadan, Isabela.
Sa naunang report, sinasabing ang sasakyan ay minamaneho ng isang Junjun Paggao Macababbad ng Viga, Anggadanan. Sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFm Cauayan kay ABC President Rey Panganiban ng naturang barangay, inamin nitong kilala niya si Junjun Paggao Macababbad na driver ng kulay itim na Fortuner ngunit mariing itinanggi nito na pag aari niya ang kartong kartong alak. Hindi umano niya pinapayagang makapasok sa kanyang barangay ang alak.
Nagbabala itong magsasampa ng kaso laban sa kung sinumang gumagamit sa kanyang pangalan. Itinanggi din ng kapitan na wala siyang kulay itim na sasakyang Fortuner.
Sa isa pang eksklusibong panayam kay Mayor Joelle Mathea Panganiban ng Angadanan, nagulat siya dahil maging si Cauayan City Mayor Bernard Dy ay nakaladkad din ang pangalan na sinasabing may usapan sa isyung ito. Ayon kay mayor Panganiban, March 30 pa ang huli nilang pag uusap sa alkalde ng Cauayan. Dagdag pa niya na ang pinag usapan nila ay ang ordinansa ng Angadanan para makapasok ang kanilang kababayan sa lungsod ng Cauayan.
Giit pa ni Panganiban na hinding hindi niya kukunsintihin ang ganitong gawaain. Sa katunayan ayon pa sa punongbayan, mahigit 100 na katao ang nakatakda nilang sampahan ng kaso dahil sa pag labag sa liquor ban sa kanilang bayan.
Sa ngayon ay pansamantalang pinakawalan ang driver. Sa panayam parin ng iFm Cauayan kay Lt. Col Sherwin Cuntapay, hepe ng FC 1ST IPMFC, regular filing ang proseso sa pagsampa ng kaso sa suspek dahil sa ECQ, kaya pansamantala nila itong pinakawalan. Nananatili naman sa kanilang istasyon ang mga nakumpiskang alak.
Attachments area