Pinaigting ang kahusayan at kahandaan ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ilagan sa pamamagitan ng isinagawang pagsasanay ukol sa Water Safety.
Nagtapos nitong Biyernes, ika-22 ng Setyembre taong kasalukuyan ang nabanggit na pagsasanay sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) bilang bahagi ng Inter-Operability Search and Rescue.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang 𝑅𝑒𝑠𝑐𝑢𝑒 1124-𝑆𝐴𝑅, 𝑃𝑁𝑃, 𝑅𝑒𝑑𝑐𝑟𝑜𝑠𝑠 𝐼𝑠𝑎𝑏𝑒𝑙𝑎, 𝐼𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛 𝐹𝑖𝑙-𝐶ℎ𝑖 𝑉𝑜𝑙𝑢𝑛𝑡𝑒𝑒𝑟𝑠, 𝑃𝑢𝑏𝑙𝑖𝑐 𝑂𝑟𝑑𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑆𝑎𝑓𝑒𝑡𝑦 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑎𝑡 𝐼𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛 𝑀𝑎𝑦𝑜𝑟𝑠 𝐴𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟.
Layunin ng training na paigtingin ang kahusayan sa pag-tugon sa panahon ng sakuna na siyang nakasalalay sa maayos at organisadong pag-deploy ng mga search, rescue, at retrieval team.
Facebook Comments