MGA KABATAAN SA CITY OF ILAGAN, NAKIISA SA HEALTH FORUM

17
Masiglang nakiisa ang mga kabataan sa isinagawang Youth Forum on Health 2022 nitong Biyernes, ika-22 ng Setyembre taong kasalukuyan sa City of Ilagan Community Center, Centro Poblacion, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ng City Health Office-I ang nabanggit na aktibidad sa pamumuno ni City Health Officer Red Galapia Cachapero, RMT katuwang ang mga personnel mula sa Department of Health (DOH).

Nagsilbi bilang panauhing pandangal si Dra. Lillian Bringad at nakiisa rin sina Binibining Nicole Balingao, SK Federation President; Ginoong Ricarte Castro, CGLOO Head; Dra Rochelle Uy, SDO Staff; at iba pang mga opisyal ng CHO-I.

Layunin ng health forum na bigyan ng kamalayan ang mga kabataan ukol sa kahalagahan ng kalusugan at bigyan ng ibayong kaalaman sa pagpapanatili ng malusog na katawan maging sa kasalukuyang modernong panahon.

Facebook Comments