Kai Sotto, posibleng mapabilang sa Gilas Pilipinas para sa gaganaping Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia

54

Malaki ang posibilidad na mapabilang sa lineup ng Gilas Pilipinas si Pinoy wonder kid center Kai Sotto sa gaganaping Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Kasunod ito ng nakatakdang pakikipagpulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Basketball Association (PBA) para sa isasagawang training ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban na nagagapin sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4, 2021.


Kasabay nito, inaasahan din ng SBP na makukumpleto ang naturalization papers ni Ange Kouame bago pa man magsimula ang kompetisyon.

Dahil dito, natitiyak ng SBP na malaki ng tiyansa na makapasok ang Gilas Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Facebook Comments