Lokasyon ng higit 300 babaeng estudyante na dinukot ng armadong grupo sa Nigeria, bigong mahanap ng otoridad

182

Bigo ang mga otoridad na tukuyin ang lokasyon ng higit 300 babaeng estudyante na dinukot ng mga armadong lalaki sa Nigeria.

Ayon kay Zamfara’s Information Commissioner Abutu Yaro, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang sumugod ang mga hindi pa nakikilalang grupo sa Government Girls Science Secondary School sa bayan ng Jangebe.


Aniya, may nakalap silang impormasyon na dinala ang mga bata sa kalapit na gubat ngunit hindi nagtagumpay ang otoridad sa paghanap sa mga ito.

Samantala, dahil sa pangyayari, ipinag-utos na ng gobernador ng nasabing estado sa agad ipasara ang lahat ng boarding schools sa kanilang lugar para hindi na maulit pa ang nangyaring pagdukot.

Facebook Comments