Manila, Philippines – Nagpasalamat si Bataan Rep. Geraldine Roman sa suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ang same sex marriage sa bansa.
Pero paliwanag ni Roman, mas madaling ipasa ang civil partnership kaysa same-sex marriage.
Tutal, ang habol naman aniya ng lesbian, gay, bisexual, and transgender community ay karapatan.
Panawagan naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat magkaroon muna ng dayalogo ng lahat ng stakeholders’ o lahat ng may kinalamang partido, para matiyak na ang anumang polisiya ay nabuo matapos ang malawakang konsultasyon.
Facebook Comments