Tila may mga minasama yata ang pagyakap ni Kakai Bautista kay Alden Richards.
May mga nag-share kasi sa Twitter ng video nito na nangyari kamakailan lang na na-guest silang dalawa, kasama ang kapwa “Hello, Love, Goodbye” actress na si Love Abella sa Tonight with Arnold Clavio.
Isang Twitter user ang nag-tweet ng clip na may caption na “SUMUSOBRA KA NA KAKAI BAUTISTA *mga kutsilyo emoji*” na sinagot naman ni Kakai ng “Sosobrahan ko pa. Dagdagan mo ng itak *tawa emoji*”
Sosobrahan ko pa. Dagdagan mo ng itak😂 https://t.co/NCuJCzJlhE
— 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@kakaibautista) July 17, 2019
Kasunod nito isang netizen naman ang nagsabing patay sa mga basher ang aktres dahil “napagsamantalahan na naman si Alden.”
Sagot naman ng aktres dito, madumi ang salitang ginamit kaya iniisip niya tuloy kung saan puwedeng bumili ng gamot sa malisyoso.
Ang dumi ng word na napagsamantalahan. Iniisip ko tuloy lagi kung saan nakakabili ng gamot para sa malisyoso. Kase ang lala ng sakit na yun. Yung tipong yung tao nag-iisip, naglalagay ng meaning tapos sila din ang masasaktan. —-pero bakit parang kasalanan ko?!😂 https://t.co/Ljk0zjUwXB
— 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@kakaibautista) July 17, 2019
Sinundan pa ito ni Kakai ng mga tweet tungkol sa “yakap” at nagsabi pang habambuhay niyang yayakapin si Alden.
MAKA-Lagot kayo sa akin akala nyo eh. 😂 I will never be sorry for Loving and caring for a friend! HABANGBUHAY KONG YAYAKAPIN si @aldenrichards02 Baby ko sya Forever! At wala kayong magagawa dahil mabuti syang kaibigan sa akin!!!!!
kung gusto nyo kayo din YAKAPIN KO! Tara!😂— 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@kakaibautista) July 17, 2019
Sarap magyakapan ngayon guysh. MALAMIG. AKAP ko kayong Lahat!! Labyuh!!❤️
— 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@kakaibautista) July 17, 2019
Nanghihili sya eh😂😂😂 https://t.co/irJkmgMZOo
— 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@kakaibautista) July 17, 2019
Magkasama si Kakai at Alden sa nalalapit na pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kung saan nakatambal ni ‘Pambansang Bae’ si Kathryn Bernardo.