PANOORIN: Unang sigaw ni Jane de Leon bilang Darna!

724
Screenshot via ABS-CBN Star Cinema

Matapos ipakilala sa publiko kung sino ang gaganap bilang bagong Darna, inilabas naman ang video ng meeting kasama ang ABS-CBN executives at Jane de Leon.

Nangyari ang meeting ng management noong Hunyo 15 kung saan sinabi kay Jane na siya ang napili ng network bilang gumanap ng iconic pinay superhero.


Sinagot naman ni Jane ang tanong kung gaano siya ka-committed sa role na ito. Ani Jane, “100 percent po talaga. I can surrender all for her. I can surrender all for that character po. Yung desire pati yung heart ko po talaga, nandun po kay Darna.”

Ani Inang, Direk Olivia Lamasan, “So are you ready for the responsibility, Jane? Tinatanggap mo na ba ang bato? Kaya mo bang tanggapin ang bato? Congratulations.”

Niyakap naman ni Charo Santos-Concio at sinabi kay Jane na, “Today is the beginning of the rest of your life.”

Sa halos 300 na nag-audition sa role na Darna, naghanap ang talent scouts sa ilang talent agencies kabilang na rin ang Star Magic at Star Hunt.

Nitong Miyerkules ng umaga ay ganap nang inanunsiyo na si Jane de Leon ang magiging bagong Darna na nag-trending sa social media.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa mga netizen ang pagkapili kay Jane.

Panoorin ang kabuuan ng video:

 

Panoorin ang pagsigaw ni Jane de Leon bilang bagong Darna:

Facebook Comments

From Advertisers