Kakai sa netizen na nagsabing ‘napagsamantalahan’ si Alden: ‘saan may gamot para sa malisyoso’

97

Tila may mga minasama yata ang pagyakap ni Kakai Bautista kay Alden Richards.

May mga nag-share kasi sa Twitter ng video nito na nangyari kamakailan lang na na-guest silang dalawa, kasama ang kapwa “Hello, Love, Goodbye” actress na si Love Abella sa Tonight with Arnold Clavio.


Isang Twitter user ang nag-tweet ng clip na may caption na “SUMUSOBRA KA NA KAKAI BAUTISTA *mga kutsilyo emoji*” na sinagot naman ni Kakai ng “Sosobrahan ko pa. Dagdagan mo ng itak *tawa emoji*”

Kasunod nito isang netizen naman ang nagsabing patay sa mga basher ang aktres dahil “napagsamantalahan na naman si Alden.”

Sagot naman ng aktres dito, madumi ang salitang ginamit kaya iniisip niya tuloy kung saan puwedeng bumili ng gamot sa malisyoso.

Sinundan pa ito ni Kakai ng mga tweet tungkol sa “yakap” at nagsabi pang habambuhay niyang yayakapin si Alden.

Magkasama si Kakai at Alden sa nalalapit na pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kung saan nakatambal ni ‘Pambansang Bae’ si Kathryn Bernardo.

Facebook Comments

From Advertisers