Kakai Bautista, umaming na-in love kay Ahron Villena

Umamin na si Kakai Bautista na na-in love siya kay Ahron Villena. Si Ahron ang leading man niya sa pelikulang Harry & Patty (A beginning of a not so beautiful love story).
Sinabi ni Kakai na sanay na siyang masabihang ilusyonada, ambisyosa at assumera. “Ano pa ba ang hindi nasabi sa akin ng mga tao na masakit?” Dagdag pa niya ay wala namang alam ang mga tao sa totoong nangyari.
Pinuri rin niya si Ahron dahil sa pagiging mabait nito at pag-aalaga sa kaniya. Ikinuwento rin niya na lagi niyang inaaway ang aktor at may time na papatulan na rin siya nito para tumahimik.
Itinanggi rin niya na ginagamit lamang siya ni Ahron. Biro pa ng comedienne-singer, “Hindi naman,e, sana nga ginamit na lang. Masaya pa,e.” Hindi rin daw totoong pineperahan lang siya ni Ahron at ang mga lakad nilang dalawa ay parehas silang gumagastos. Nang tanungin naman kung anong totoong nangyari sa kanilang dalawa ay napasigaw ito ng “secret”.
Ngayon ay mas nakilala raw nila ang isa’t isa dahil sa mga pinagdaanan nilang pagsubok. Alam na rin nilang i-handle ang mga topak nila.
Sa ngayon ay hindi raw muna isinasara ni Kakai ang pintuan. Ine-enjoy raw muna nila ang kung anong meron sila ngayon. Matapos nito ay pabirong tinanong ni Kakai si Ahron, ” Are you enjoying me?”.

Facebook Comments