KAKAIBA | Beer na may ingredients na recycled sewage water, inilabas sa Sweden

Sweden – Siguradong lakas tama ka kapag nalaman mo kung saan at kung paano ginawa ang isang beer na inilabas ngayon sa Stockholm, Sweden.

Ang “purest beer” na ipinakilala sa merkado ng *New Carnegie Brewery* noong May 25 ay talagang challenge para sa mga manginginom dahil nanggaling daw ang ginamit na ingredients nito sa recycled sewage water.

Nais kasi ng nabanggit na kumpaniya na ipakita na ligtas na inumin at gamitin bilang ingredients ang “second-hand water” tulad ng tubig na nanggagaling sa gripo.


Makakatulong din daw ito sa ibang bansa na nagkakaroon ng water shortage dahil sa epekto ng global warming.

Hindi naman binanggit kung magkano mabibili ang “purest beer” pero nakatakda itong ibenta sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Facebook Comments