TRENDING | Tila lumalala na ang hidwaan ng premyadong direktor na si Mike De Leon at journalist na si Atom Araullo

Manila, Philippines – Ito ay matapos magsagutan ang dalawa sa social media hinggil sa inasal ni Atom sa kasagsagan ng paggawa nila ng pelikula ng “Citizen Jake”.

Unang sinabi ni Direk Mike na isang closet movie star si Atom at isa daw siya sa mga taong naghahanap ng public attention kung saan hindi daw ito pumasa sa kaniyang expectations.

Sinagot naman ni Atom ang mga patutsada at kaniyang sinabi na mahirap pakisamahan si Direk Mike lalo na kapag sinusumpong ito ng kaniyang tantrums.


Gayunpaman, thankful pa rin si Atom sa pagkakapili sa kaniya bilang main actor sa nasabing pelikula pero hindi nito matanggap na ang pagiging journalist niya ay minaliit pa din ni Direk Mike.

Dahil dito, muling naglabas ng statement si Direk Mike kung saan kaniyang inahayag na walang puwang sa showbiz si Atom at todo paghihirap daw siya na itama ang mga pagkakamali nito sa pag-arte.

Facebook Comments