India – Isang binata sa India, bentang-benta sa kaniyang mga kapitbahay dahil sa galing magbalat ng niyog gamit ang ngipin.
Bentang-benta ngayon sa kaniyang mga kapitbahay sa India ang isang binata dahil sa kakaiba nitong talent.
Nabatid kasi na kaya ni Ajay Singh Sisodia na balatan ang mga niyog gamit ang kaniyang mga ngipin.
Ayon kay Ajay, naisipan daw niyang gawin ang pagbabalat ng niyog gamit ang ngipin nang mapanood niya ang ganitong uri ng stunt sa isang talent show sa TV noong bata pa siya.
Wala naman daw sa isip ni Ajay na sumali o ma-recognized ng Guinness World Record dahil hobby lang daw talaga niya ang pagbabalat ng niyog.
Ayon pa sa tatay ni Ajay, palagi daw ipinapatawag ng kanilang kapitbahay ang anak para magbalat ng mga niyog na gagamitin sa mga rituals at handaan.