Kevin Durant, pinasaya ang mga fans nito sa ginanap na exhibition game kasama ang mga collegiate players sa Araneta Coliseum

Manila, Philippines – Kevin Durant, pinasaya ang mga fans nito sa ginanap na exhibition game kasama ang mga collegiate players sa Araneta Coliseum.

Pinasaya ngayon ni NBA superstar Kevin Durant ang mga Pinoy fans sa ginawa nitong exhibition game kagabi sa Araneta Coliseum.

Bagaman at natalo ang team nila sa score na 85-82, ikinatuwa pa din ni Durant ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa basketball kung saan kasama niyang naglaro ang ilang collegiate players mula sa NCAA at UAAP.


Aminado si KD na napagod siya sa game dahil ito ang kauna-unahan niyang workout matapos silang mag-kampeon sa NBA noong nakaraang season.

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Kevin sa bansa at kaniya din sinabi na exicted na siya sa susunod na season ng NBA lalo na at nasa Los Angeles Lakers na si LeBron James.

Facebook Comments