SAWI | Dalawang bangkay ng lalaki, natagpuan sa Malabon City

Malabon – Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Barangay Panghulo, Malabon City.
Isa dito ay nakasuot ng gray t-shirt at maong na pantalon habang ang isa naman ay naka-puting t-shirt at nakababa ang kanyang maong pants.
Isang nag-rorondang tanod ang nakakita sa dalawa kung saan kapwa pa walang pagkakakilanlan ang mga lalaki na mayroong tama ng bala sa katawan.
Wala naman gustong magsalitang mga residente sa lugar dahil sa takot ng mga ito na madamay.

Facebook Comments