KAKAIBA | Isang balloon modelling artist sa UK, nakasama sa Guinness World Records 2018

Panghimagas – Hindi akalain ng isang balloon modelling artist na si Tom Kent mula sa United Kingdom na makakapasok siya sa Guinness World Records 2018 Gamer’s Edition,

Ito ay matapos na makagawa siya ng isang balloon costume na kuha sa pokemon character na si Pikachu.

Masaya daw ngayon si Tom dahil natupad din ang pangarap niya na makasama sa guinness kung saan gumamit siya ng nasa 350 yellow, black at red na mga lobo at natapos niya ito sa loob ng sampung oras.


Aabot sa 262 centimeter ang taas at 159 centimeter ang lapad ng balloon costume na kaniyang din isinusuot kapag iniimbitahan sa mga kids party.

Payo naman ni Tom sa mga nangangarap na makasali sa Guinness World. sipag, tiyaga at determinasyon lamang ang kailangan at higit sa lahat, huwag na huwag daw paiiralin ang init ng ulo ng hindi masayang ang mga lobo.

Facebook Comments