Panghimagas – Dinadayo ngayon sa Tokyo, Japan ang isang restaurant dahil sa kakaiba at Unique nitong Specialty
Unang nag-trending sa social media ang Kipposhi Restaurant kung saan naging usap-usapan ang kanilang blue ramen soup
January 2017 nang simulan ng may-ari na si Mr. Kozumi ang kaniyang negosyo at mas lalo siyang nakilala nang ipakita sa social media ang nasabing Soup.
Dahil dito, isa na sa mga must-visit sa Tokyo ang kaniyang Restaurant at ilang beses na din itong nai-feature sa Cable Food Channel.
Hanggang sa ngayon, marami pa din ang nagtatanong kung paano ito ginawa subalit nananatiling tahimik si Mr. Kozumi pero sinisiguro niya na ligtas kainin ang kaniyang blue ramen Soup.
Facebook Comments