FAKE NEWS | Sylvester Stallone, muling pinatay sa social media

Showbiz – Ikinagulat ng kampo ng Hollywood Actor na si Sylvester Stallone ang kumakalat na Fake News sa Social Media na patay na daw ito.

Nabatid na maraming netizen ang nagbigay ng kani-kanilang pakikiramay sa nangyari kay Stallone kung saan itinuturing itong Hoax lalo na’t alive at kicking daw ang Expendables Star sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Hindi naman bago sa Actor ang ganitong uri ng balita dahil kung matatandaan na September 2016 nang unang kumalat na patay na daw ito pero laking gulat ng iba ng maglabas pa ito ng isang pelikula.


Sa ngayon, nais ng kampo ni Stallone na papanagutin ang naglabas ng balita lalo na’t naging biktima din daw nito ang ibang stars tulad nina Vin Diesel, Nicolas Cage, Jaden Smith, Jim Carrey, Angelina Jolie at John Cena.

Facebook Comments