KAKAIBA | “My words, your body” project, bagong pakulo ng isang tattoo artist sa London

31

London – Isang london-based tattoo artist ang nagbibigay ng kakaibang kondisyon sa mga tatataun niyang customer.

Sa halip kasi na customer ang pipili ng design si Monty Richthofen ang magdedesisyon kung ano ang ilalagay niyang tattoo sayo!

Taong 2017 nang umpisahan niya ang artistic project niyang “my words, your body”.

Naiinis na raw kasi siya sa traditional tattooing process kung saan pipili lang ng disenyo sa kanyang libro ang customer at pagkatapos tatuan ay magpapaalam nang hindi man lang nila nakilala nang maayos ang isa’t isa.

Gusto raw niya na lagyan ng tattoo ang isang tao base sa karanasan nito sa buhay na balang araw ay makakatulong sa kanila.

Kaya sa halip na mga larawan, mga inspirational phrase ang inilalagay niyang tattoo na malalaman lang din ng kanyang customer pagkatapos niya itong gawin.

Facebook Comments