TAPATANG PACQUIAO- MATTHYSSE | Matthysse, posibleng manalo sa laban ni Pacquiao via knockout

157

Malaysia – Naniniwala si retired boxing legend Oscar Dela Hoya na may mananalo via knockout sa laban nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse sa Linggo.

Sabi ni Dela Hoya, posibleng makapagtala ng knockout win si Matthysse para madepensahan ang kanyang WBA welterweight champion.

Habang kung mananalo si Pacquiao, ito ay via decision.

Babala ni Matthysse sa Pinoy boxer, galingan sa ibabaw ng ring dahil makakaharap nito ang tinaguriang “The Machine”.

Tiwala naman ang kampo ng pambansang kamao na mapupuno ng aksyon ang kanilang laban.

Maghaharap muli ang dalawa sa official weigh-in sa Malaysia International Trade and Exhibition Centre, isang araw bago ang tinaguriang “fight of champions.”

Facebook Comments