KAKAIBA | Paano ipinagdiriwang ang National Sleepy Head Day ng Finland? – alamin

Finland – Kung may basaan sa Pilipinas tuwing pista ng San Juan may National Sleepy Head Day naman ang Finland.

Pero hindi ito patagisan sa pagtulog kung hindi paagahan ng gising.

Ang sinuman kasi na huling mahuhuling tulog sa loob ng bahay ay bubuhatin at itatapon sa ilog o dagat o di kaya ay bubuhusan ng malamig na tubig sa mukha!

Itinuturing daw kasi na pinakatamad ang taong huling magigising sa National Sleepy Head Day.

Ipinagdiriwang ito tuwing July 27 bilang pagkilala sa Seven Sleepers of Ephesus, isang Christian myth tungkol sa pitong tao na aksidenteng nakulong sa isang kweba sa loob ng 200 years.

Nang mabuksan ang kweba noong 450 A.D., nakita ang pito na natutulog pa rin.

Kaya naman tuwing National Sleepy Head Day, nagbibiruan ang Finnish people na ang sinumang hindi magigising bago mag-alas 7:00 ng umaga ay makakatulog sa loob ng 200 taon!

Facebook Comments