Panghimagas – Patok ang binuburong kape sa Thailand dahil bukod sa ito ang pinakamahal na kape sa mundo, kakaiba ang paggawa nito dahil mula ito sa dumi ng elepante.
Tinatawag na black ivory coffee ang nasabing kape na nagkakahalaga ng 1,100 us dollars kada kilo o katumbas ng halos animnapung libong piso .
Mahabang proseso ang pag-gawa nito dahil kailangan munang ipakain sa isang elepante ang bunga ng kape, pagkatapos ay hihintayin itong dumumi at saka gagawin mula dito ang mga mamahaling kape.
Ang acid mula sa sikmura ng elepante ang dahilan kung bakit ang mga kapeng ito ay may kakaibang amoy at lasa.
Facebook Comments