KAKAIBA | Rare natural phenomenon sa Southern California, nasaksihan

Southern California – Natunghayan ng mga residente ang isang rare natural phenomenon sa West Coast ng Southern California dahil sa nag-iilaw na karagatan.

Dahil ito sa red tide na algae bloom na nakukuha sa mga freshwater o sa mga marine water system.

Dahil sa kanilang pigments, nagkakaroon ng discoloration sa tubig.


Ayon sa Scripps Institution of Oceanography, ang mga ito ay nagliliwanag sa araw at gabi kung saan ang kulay nito ay pula sa araw habang asul naman sa gabi.

Dagdag pa ng researcher na si Dimitri Deheyn, ligtas naman ito at magandang experience dahil puwede mong paglaruan ang tubig.

Facebook Comments