TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Bilis at lakas ni People’s Champ Manny Pacquiao, unti-unti nang binubuhay ng kanyang head coach

Manila, Philippines – Nasa apatnapung porsyento na umano ang kahandaan ni People’s Champ Manny Pacquiao para sa nakatakda niyang laban kontra kay Lucas Matthysse sa July 15.

Ayon kay Head Coach Buboy Fernandez, maganda ang nagiging development ni Pacman sa nagpapatuloy na training.

Sabi pa ni Coach Buboy, masaya siya dahil nagkakaisa ngayon sa Team Pacquiao para sa pagpapakondisyon ng ‘fighting senator’.


Sa ngayon ay kinakailangan pa umanong mapanatili ni Pacman ang kanyang stamina.

Bukod dito, marami-rami pa rin ang dapat gawin para maibalik ang speed at power ng pambansang kamao.

Facebook Comments