China – Kung may debt pyramid ang Russia, sa China naman, gumagamit ng sinehan para ipahiya ang mga taong hindi marunong magbayad ng utang.
Ang “Reel of Shame” ay ideya ng mga otoridad sa Hejiang County, Sichuan Province kung saan isang short clips ng mga mukha at pangalan ng mga may utang ang ibinabalandra sa mga sinehan bago magsimula ang ipalalabas nilang pelikula.
Ang naturang public shaming ay nagiging pangkaraniwang tactic na raw sa china para parusahan ang mga “laolai” o yung mga taong bigong magbayad ng utang on time.
Bukod sa reel of shame sa hejiang, ilan pang public shaming ang ginagamit sa jiangsu at henan gaya ng paglalagay ng larawan ng mga may utang sa advertising billboards, electronic screens at kahit sa mga bus.
Facebook Comments