KAKAIBANG TRIP | Lalaki – kumain ng salawal

Isang 18-anyos na lalaki ang nagtangkang kumain ng tela mula sa kanyang shorts sa pag-aakalang maaalis nito ang alak sa kanyang hininga.

Una rito, naaresto ng mga pulis si David Zurfluh dahil sa pagmamaneho nang sobrang bilis.

Isasalang sana siya sa breathalyzer test, pero habang sakay sa patrol car, bigla niyang pinunit ang pundiyo ng kanyang shorts.


Isinubo niya ito sa pag-aakalang maa-absorb nito ang amoy ng alak, saka idinura.

Gayunman, hindi pa rin siya nakaligtas sa parusa.

Facebook Comments