Dismayado si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na mas mura pa sa presyo ng isang lechon baka ang ₱15,000 na insurance para sa mga nasawi o nagtamo ng pinsala na pasahero o tumatawid sa lansangan na nabangga ng sasakyan.
Isang pamilya na namatayan ng 22-anyos na miyembro na nagtagpos ng cum laude makaraang siya at ang kasintahan ay mabangga ng isang trak habang pauwi sa kanilang bahay.
Giit ni Lee, sa kasalukuyang batas ay talong talo ang mga pamilya ng mga biktima ng vehicular accident.
Para kay Lee, hindi makatarungan ang nasabing halaga kaya inihain niya ang House Bill No. 8498 na nagsusulong na itaas sa P1 million ang kasalukuyang ₱15,000.00 na indemnity payout kung ang nakabangga sa biktima ay commercial motor vehicle na may gross vehicle weight (GVW) hanggang 4,500 kgs.
Layunin ng panukala ni Lee na maprotektahan at matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng vehicular accident habang tinitiyak ang pananagutan ng mga may-ari ng commercial vehicle.