Manila, Philippines – Pinag-aaralan pa rin ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa dalawang lalaking nagbugbugan sa loob ng tren kagabi.
Ito ay dahil sa sobrang abalang idinulot ng gulo sa operasyon ng MRT-3.
Sumiklab ang tensyon matapos umanong hipuan ni Joselito Nilo, 31-anyos, sa maselang bahagi ng katawan si Ronel Valdez, 27-anyos.
Nagkasundo naman na ang dalawang pasahero na huwag i-akyat sa higher authority ang insidente pero iimbestigahan pa rin ito ng MRT management.
Suportado naman ng dotr ang hakbang na ito ng mrt-3 para masigurong ligtas ang biyahe ng mga tren at ang libu-libong pasaherong sineserbisyuhan nito araw-araw.
Facebook Comments