ARESTADO | Suspek sa viral video ng pangho-holdap sa San Juan – naaresto na

Manila, Philippines – Nadakip na ng mga otoridad ang lalaking suspek sa viral video ng pangho-holdap sa San Juan noong august 2017.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto kahapon sa Sitio Kapatiran, Barangay San Isidro, Antipolo ang 39-anyos na suspek na si Billy Joe Schofield.

Napag-alamang miyembro ng sako gang ang suspek sa ilalim ng nasawing lider ng grupo na si Benedict Crisologo na nag-o-operate sa Aurora Boulevard.


Taong 2006 nang makulong si Schofield dahil sa kasong robbery-hold up pero na-dismiss matapos ang dalawang taon.

Inilipat siya sa San Juan City Jail noong 2008 para naman bunuin ang sentensiya sa kinasangkutan niyang frustrated homicide noong 2005.

Matapos ang walong taon sa bilangguan, nakalaya siya noong 2016 saka sumama sa Oñate robbery at riding-in-tandem criminal group.

Nabuwag naman ang grupo nang madakip ang lider nilang si Marcele Oñate Jr. sa Pasig City nitong Enero.

Facebook Comments