Manila, Philippines – Nagbanta si Atty. Larry Gadon na magsasampa ng kasong kriminal sa ilang opisyal ng Korte Suprema kung hindi magbibitiw si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno hanggang sa unang araw ng Marso.
Mga kasong paglabag sa procurement at Anti-Graft Law ang isasampa ni Gadon kay Sereno at ilang opisyal dahil sa ilegal na pagbili ng Land Cruiser, pag-hire sa Information Technology Consultant ang labis na pag-antala sa Survivorship Benefits at ilegal na paggamit ng Presidential Villas sa Boracay noong 2015.
Iginiit din ni Gadon ang hindi pagsusumite ni Sereno ng tamang saln bago pa man maitalaga bilang Chief Justice na malinaw na panloloko sa batas.
Nanindigan naman ang kampo ni Sereno na hindi magbibitiw sa pwesto ang punong mahistrado at nagpapakita lang na nawawalan na pag-asa si Gadon na uusad pa ang reklamong impeachment complaint sa Kamara.