KAKASUHAN | DILG, balak kasuhan ang mga incumbent officials na nakialam sa barangay elections

Manila, Philippines – Planong kasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kongresista at lokal na opisyal na nakialam sa barangay elections.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, nakatanggap sila ng mga reklamo kung saan bumibili ng mga boto ang mga nakaupong opisyal.

Pinakikiusapan ng mga pulitiko ang mga botante na iboto ang kanilang manok.


Kapag aniya tumanggi ay aalukin ito ng pera at kapag tumanggi ay pagbabantaan at tatakutin ang botante.

Sa datos ng DILG, aabot sa 100 kongresista, 1,000 local government officials, at libu-libong incumbent barangay officials ang sangkot sa vote buying.
Naniniwala rin si Diño na posibleng may mga sasabit ding mga miyembro ng PDP-Laban.

Facebook Comments