BAGONG PINUNO | Bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pormal nang nanumpa

Manila, Philippines – Pormal nang nanumpa bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT) si Bernadette Romulo-Puyat.

Nanumpa si Puyat sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na seremonya sa MalacaƱang.

Ang panunumpa ni Puyat ay nasaksihan ng kanyang anak na babae gayundin ang mga magulang nito.


Pagkatapos nito, nagkaroon ng salo-salo kasama ang Pangulo.

Itinalaga si Puyat matapos magbitiw si dating Tourism Secretary Wanda Teo dahil sa 60 million pesos ad placement sa programa ng kapatid nito na si Ben Tulfo sa PTV-4.

Facebook Comments