Manila, Philippines – Handang kasuhan ng sibil ng Dept. Of Health (DOH) ang Sanofi Pasteur dahil sa depektibong Dengvaxia.
Ito ay matapos tumanggi muli ang Sanofi sa hiling ng DOH na “Full Refund” o isauli ang kabuuang P3.5 bilyon ipinambili ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo bigo ang Sanofi na isiwalat ang masamang epekto ng Dengvaxia sa mga hindi pa nagkaka-dengue.
Hiwalay pa aniya ito sa usapin kung Dengvaxia ang sanhi ng pagmakatay ng tatlong batang nasuri ng UP-PGH Expert Panel.
Sa pahayag naman mula sa Sanofi, ang pagre-refund sa gobyerno ng Pilipinas ay katumbas na rin ng pag-amin na hindi epektibo ang kanilang bakuna.
Facebook Comments