Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagsasampa ng reklamo laban sa blogger na may mabibigay na akusasyon laban sa pangalawang pangulo.
Base sa video na kumakalat sa social media, pinagmumura ng blogger na si Drew Olivar si Robredo.
Kabilang sa mga bintang ni Olivar kay Robredo ay ang pagpunta sa South Africa para umano makipagtalik.
Isa pa sa mga ipinupukol na alegasyon ni Olivar ay ang pagpapaaral ni Robredo sa kanyang anak na si Aika sa Harvard University gamit ang pondo ng gobyerno.
Sa isang twitter post, sinabi ni tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez na pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Olivar.
Matatandaang si Olivar ang sumayaw sa kontroberysal na ‘i-pederalismo’ dance video na inilabas ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Samantala, hinamon ni Olivar ang kampo ni Robredo na sampahan siya ng kaso dahil makaka-pag live video pa rin siya kahit nasa kulungan.