Amerika – Kinasuhan nang comic books legend na si Stan Lee ang entertainment company na dati niyang kasamang itinayo dahil sa damages na umaabot sa $1 billion.
Sa reklamo ng 95-anyos na co-creator ng maraming superhero characters, inakusahan niya ang mga boss ng kompaniya sa pagnanakaw sa kanyang mga imahe.
Inireklamo ni Lee ang Pow! Entertainment CEO na si Shane Duffy at co-founder Gill Champion dahil sa hindi siya inabisuhan sa detalye sa ginawang pagbebenta ng kompaniya noong 2017 sa Camsing International.
Giit ni Stan, sinamantala ng mga ito ang panahon kung saan dumaranas siya ng kabiguan sa buhay kasunod nang pagpanaw ng kanyang misis na si Joan at pagkakaroon pa niya ng sakit sa mata na macular degeneration.
Sinasabing hindi na raw kasi kayang basahin ni Lee ang mga dokumento at wala siyang naaalang binasa sa kanya ang mga nakasulat sa kontrata at idiniin din niya na pineke ang kanyang pirma o napwersa siya.