SUICIDE | Isang call center agent, nagpakamatay sa Sampaloc, Maynila

341

Manila, Philippines – Hindi na kinaya pa ng isang babaeng call center ang bigat na problemang dinadala kaya naisipan na lamang nitong magpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa G. Tolentino Street, Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Maria Lourdes Alonzo.

Sa ulat, nakita na lamang na nakabigti sa built-in cabinet si Maria Lourdes at wala nang buhay kung saan naglaslas pa ito sa kaliwang pulso.

Tumanggi naman na pa-imbestigahan pa ng kapatid ng biktima ang pagkamatay nito sa paniniwalang walang naganap na foul play sa insidente.

Pero dinala ang bangkay sa Archangel Funeral Parlor para sa awtopsiya.

Facebook Comments