Manila, Philippines – Hindi dapat na mangamba ang publiko kung kakayanin ba o hindi ng mga pulis Davao ang trabaho sa Caloocan.
Matapos na hikayatin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga pulis Davao na magpatalaga sa Caloocan City.
Kasunod ito ng pagsibak sa buong pwersa ng Caloocan na aabot sa isang libong pulis.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, bilang miyembro ng Philippine National Police kahit saan sa bansa ay pwedeng maitalaga ang isang pulis.
Ang reassignment aniya ay normal at dapat nangyayari.
Sanay din daw ang mga police sa pag-adopt ng kultura sa isang lugar.
Dahil sa laki ng tiwala ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa hanay ng Davao PNP.
Kaya ang mga ito ang nais niya ngayon ng maitalaga sa Caloocan City.