Kakulangan ng asukal sa bansa, ibinabala ng SRA

Ibinabala ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na namemeligrong kapusin ang suplay ng raw sugar sa bansa.

Ito ay makaraang mapilitan na ang mga manufacturer na kumuha ng lokal na suplay nito na limitado lamang sa merkado.

Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, maraming mga manufacturer na ngayon ang bumibili ng raw sugar upang iproseso bilang refined sugar para sa kanilang consumption.


Una na ring sinabi ng SRA na sinisisi nila ang Philippines Sugar Miller Association (PSMA) sa pagtaas ng presyo ng asukal at kakulangan ng suplay nito sa bansa dahil sa pagharang ng nasabing grupo sa importasyon ng refined sugar.

Sa datos ng SRA, nasa P49 hanggang P71 na ang kada kilo ng retail price ng raw sugar sa mga pamilihan ngayong buwan mula sa dating P41 hanggang P56 sa kaparehong panahon ngayong taon.

Nasa P58 hangang P70 naman ang presyo nito sa mga palengke kumpara sa P43 hanggang P48 kada kilo noong isang taon.

Facebook Comments