P50 na dagdag sa sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region 8, epektibo na sa lunes!

149

Good news!

Epektibo na sa Lunes, June 27 ang dagdag na P50 sa sweldo ng mahigit tatlong milyong manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas o Region 8.

Ayon kay Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWP) Chairman Henry John Jalbuena, ang bagong wage rate ay epektibo na sa lunes, labing limang araw matapos ang pagkakalathala sa lokal na pahayagan noong June 13.


Nabatid na ipatutupad ang dagdag-sahod sa dalawang tranches – P25 sa unang anim na buwan ng implementasyo at karagdagang P25 matapos ang pitong buwan o sa January 2, 2023.

June 6 nang lagdaan ang bagong wage ng regional wage board at inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission noong June 10.

Facebook Comments